Kung napanood niyo ang remake na pelikulang The A-Team, ang kanilang motto ay: There Is No Plan B. Magandang pakinggan, pero kapag sinundan natin ang payong ito, parati tayong magiging talunan. Ang pagpaplano ay napakaimportante sa buhay. And we need to have an alternative plan, if our original plan fails. A plan B is a must.

Ang kasabihan na: “People don’t plan to fail; they just fail to plan” ay nauugnay sa tendency ng mga tao na hindi nagpaplano. Pero paano naman doon sa gumawa ng plano na hindi nagtagumpay. Para kang isang coach na gumawa ng play para sa mga players mo upang manalo sa isang close game. Ano ang ginagawa ng isang coach na hindi na-execute ang kanyang play? Gumagawa ulit sila ng panibago.

Sa buhay, we will experience ups and downs. High moments in life are weddings, birthdays, or anniversaries; low moments are funerals, accidents, or tragedies. At sa buhay, meron din mga worst-case scenarios, yan ang mga pangyayari sa buhay natin na wala nang mas sasama pa. Kaya nabuo ang idiom na “kapit sa patalim” which means swallowing the bitter pill. Pag tayo ay gipit, ganito madalas ang tingin nating solution sa problema.

Ito ay tatlong bagay na dapat nating gawin upang maghanda sa mga unexpected things kapag hindi nangyari ang ating hinahangad at nabigo tayo sa ating mga plano:

1) Believe in Yourself

When we were in debt for millions, I never considered myself poor. I only considered myself broke. Because poor is permanent but broke is temporary. Our value is not based on how much money we earn or how famous we are. It is based on how we perceive ourselves. Ang tawag doon ay Self-Concept.

Motivational speaker and best-selling author, the late Zig Ziglar said, “You cannot perform in a manner inconsistent with the way you see yourself.” Ang success ay madalas napupunta sa mga tao na naniniwala sa kanilang sarili, kahit na hindi pa sila successful sa ngayon.

Naniniwala kaba talaga sa sarili mo? Kapag hindi ka naniniwala sa sarili mo, sino pa ang maniniwala sayo? Pagkatapos mong basahin eto, pumasok ka sa kwarto mo at tumingin sa salamin. I hope you like what you see. Because you cannot face a problem if your problem is your face.

When you wake up in the morning, start the day right. Think of your wins in life so that you can build up on something and then build momentum. Pero paano kung wala pa akong wins? Magpapauso na lang ako? Alam niyo ban na ang ating subconscious mind ay gumagana kahit na ayaw nating tong paganahin? If you imagine that you are successful long enough, your mind will think that you are. And when the right opportunity comes, then you will be ready.

Our success starts with the right thinking. Everything starts with our thoughts, our thoughts become our words, our words become our action, our action becomes our habit, our habit becomes our character, and our character becomes our destiny. So have the right thoughts about yourself.

2) Believe in what you are doing

Kaya siguro nahihirapan kang magkaroon ng break ay dahil hindi ka 100% naniniwala sa ginagawa mo. Kapag ang isang boksingero ay lumaban, dapat buo ang loob niya. Kapag umpisa pa lang ay hindi na siya naniniwala sa sarili nya, hindi pa nag-uumpisa ang laban ay sigurado nang talo.

So after believing in yourself, pag-aralan mo ng mabuti ang iyong craft. Best-Selling author Malcolm Gladwell teaches us about the 10,000 hour rule. It means that upang tayo ay maging magaling sa ating career or vocation, we need 10,000 hours of experience under our belt. When the Beatles came to the States, nabighani ang mga tao sag ling nila. Hindi nila alam na ang Beatles ay hasang-hasa na noong makarating sila sa States. Even though they were a young band, they played a combined 1,200 times as a band.

Ang basketball player na si Larry Bird ay 90%+ ang free throw percentage, kasi he shoots more than 500 free throws a day.

Si Manny Pacquiao, when he was starting, ang bayad sa kanila kapag nanalo sa isang boxing match ay P150 lang. Hindi niya inisip ang pera. Kumuha lang siya ng kumuha ng experience. After so many years, today, he is making an average of $30 million a year or P4 million a day.

Huwag kagad pangungutang ang isipin ninyong solusyon kapag wala kang pera. Isipin niyo muna kung saan kayo marunong or magaling at ibenta niyo ang products or services niyo. Lapitan ninyo ang mga kaibigan upang mag-alok imbes na mangutang.

3) Believe in God

When my wife was about to give birth, wala kaming pera. We were in debt for P2.5 million because of our bankrupt restaurant business. May isang gabi, bago kami matulog ng wife ko na si Kat, naluha ako. Nakita niya and siya din ay naiyak. Nag-iyakan kami sa daming problema. Manganganak na siya in 3 weeks at wala kaming pambayad pati sa hospital. Habang kami ay magkaakap at umiiyak, naramdaman ko iyong tinatawag na “The Peace of God.”

Sabi sa Philippians 4:6-7, Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.

Wala dapat tayong katatatakutan kapag may problema. Dahil ang diyos natin ay mas malaki sa kahit ano mang problema na haharapin natin.

Kapag tayo ay gipit, mas malaki ang opportunity for learnings. Nang bumagsak ang aking negosyo, I thought that was the worst year of my life, but I found out that it was the best year of my life. That experience made me stronger, wiser, and a better person. “Do not waste tough times.” Sayang kung hindi tayo matututo. Pero katulad ng lagi kong sinasabi sa mga tao na may pinagdadaanan, huwag silang mangamba dahil “lilipas din yan.” Remember that “Tough times don’t last but tough people do.” Kung may pinangdadaanan kayo, matatapos din yan.